15 October 2009

useless post. bad trip times three.

For every minute you remain angry, you give up sixty seconds of peace of mind.
--
Ralph Waldo Emerson.
sobrang badtrip.

ang buhay nga naman. pag nagpapakabait ka na sya namang dating ng mga walang kwentang taong gustong sirain ang buhay mo. kasalanan ko na rin siguro kasi masyado akong mabait at mapag bigay. kakapagod palang mag alaga ng taong di ka nirerespeto ano? oo medyo weird nga ako pero sana naman walang bastusan diba? ikanga ng kaibigan kong si floie, "mabuting galit ka parati at matapang para di ka pagsamantalahan ng iba."

hindi rin. sobra akong suplada noon at ayun pumangit lang ako. panay simangot. pero tama siya, wala ngang nang aasar sa akin noong araw. takot siguro. ngayon masayahin na ako. at may mga nang aasar na at pinapalampas ko lang. sayang ang galit.

*****

nag apply ako ng credit card. first time ko. ever. sabi ng bangko siguradong aprub na raw kasi kumpanya kong bonggang bongga ang nag endorso.

dumating na ang mga credit cards dito sa opisina galing sa bangko. ang saya ng mga ka-opisina ko. yehey. may credit card na ako. first time ko. ever.

tinawagan ako ng HR. sabi di raw ako kasali sa mga naaprubahang card. bakit kaya? bad trip.

pinatawagan ko ang credit card section ng isang dabarkads ng nanay ko na siyang manager rin ng nasabing bangko dito sa davao.

ang rason daw na di ako biniyayaan ng nasabing soshal na card ay...... muslim raw ako at marami raw akong kaapelyedong may "bad" accounts.

bakit pa kasi ako nag apply. ayan na badtrip lang ako.

*****

may babaeng Marinela na tumawag sa akin nung isang araw. magpapa appointment raw kasi may ididiscuss na investment opportunity sa akin. eh kasi mabait ako at di ako marunong humindi sa tao, nag agree akong mag meet kami. syempre kasi matanda na ako at makalimutin na ay nakaligtaan kong tandaang may meeting pala kami nung hapon na iyun.

tumawag siya kinabukasan at nagtatalak na ininjan ko raw siya. galit. nagtanong rin siya kung muslim ako. sabi ko, "opo muslim po ako." ang sabi ba naman sa akin (pasigaw) ay ... "kaya pala!" sabay bagsak ng telepono.

mabuti na lang at nag yoyoga na ako ngayon. magaling na akong magtimpi at mag inhale exhale ng malalim. gusto ko mang magalit ay kasalanan ko naman talagang nainjan ko siya. kaso di ko namang kasalanang muslim ako eh. wag naman sana mag generalize. nyeta naman eh. oooohhhhmmmm. di po ako galit. akala niyo lang yun. *sabay kasa ng baril*

haay... peace and light pa rin sa inyo kahit badtrip ako.

0 comments:

Simple Layout by Village Idiot Savant