04 July 2007

Para Sa Iyo

inanggay ka ng hangin,
inihip tungo sa aking piling,
tinupad ang aking hiling,
sagot sa 'king panalangin...

Dala mo ang tinta na makulay,
dumaloy sa aking gunita,
pinukaw ang pusong nilimot,
puno ng tanong at lungkot...

Bukas, gigising ka sa malamig na umaga,
yayakapin ka nang pagmamahal at halik,
muling iinog ang ating mundo, ikaw, ako...
tayo.

0 comments:

Simple Layout by Village Idiot Savant